Movie Review: The Impossible (2012 movie)

Matagal na panahon na din akong hindi nakakapanood ng mga disaster drama film (huli ko pa ata is yung 2012 na movie) at noong nakaraang linggo ay may nabanggit sa akin si Dra.Janice na isang website kung saan pwede mag live streaming at mag download ng mga bagong movies. Nagrekomenda din siya sa akin na may bagong movie daw siyang pinapanood na ang pamagat ay "THE IMPOSSIBLE". Medyo badtrip nga lang siya dahil nagloloko ang wifi namin sa opisina at hindi siya makapanood ng maayos. Agad ko naman itong inaayos at nagdownload ako ng kopya ng movie sa movie2k.com, yan ang link kung saan pwede ka magdownload ng mga bagong movies at tv episodes na quality ang kopya.

Pumunta na tayo buod ng movie, hindi naman talaga ako film reviewer pero gusto ko lang e-share ang akin thoughts about THE IMPOSSIBLE, ito ay isang disaster drama film based on a true to life story ni Maria Belon and her family's experience of the 2004 Ocean Tsunami na nangyari sa Thailand. Ito ay directed by Juan Antonio Bayona and starring as the Mom-Maria (Naomi Watts), Dad-Henry (Ewan McGregor) and the eldest son-Lucas (Tom Holland).






Buwan ng Disyembre taong 2004 ng naganap ang pangyayaring ito kung saan nagpasyang magbakasyon ang pamilya ni Maria, ang kanyang asawang si Henry at ang tatlo nilang anak na sina Lucas, Tomas at Simon sa isang paradise resort sa khao lak, Thailand. Sa unang tingin ay talagang napaka peaceful at amazing ng resort at di mo iisipin na ito pala ang kukuha sa libo-libong buhay na andoon sa pamamagitan ng tsunami (to be exact with the date - December 26, 2004). At yun na nga, maya maya lang ay paparating na ang tsunami, biglang lumakas ang hangin at may kakaibang dagundong na paparating, magkasama sa pool si Henry at ang dalawang nakababatang anak na si Tomas at Simon samantalang si Lucas naman ay patungo doon sa unahan at si Maria kung saan nagbabasa ng libro ay bigla din natigilan, lahat na napatigil, nanahimik na para bang mga estatwa, at boom! out of nowhere, nilimas silang lahat at nagkahiwahiwalay. Ilang minuto din ang nakalipas at doon pa lamang lumabas na palutang lutang si Maria habang inaagos ng malaking alon ganun din ang anak na si Lucas na nasa kabilang dulo at naghihihiyaw na humihinge ng tulong at tinatawag ang kanyang ina.

 Si Maria at Lucas na nakakapit sa kahoy pagkatapos ng atake ng tsunami.

Pagkatapos magkita ng mag-ina, pilit nilang nilalakasan ang kanilang loob para sila ay makaligtas. Yun nga lang, walang idea si Maria kung ano na ang nangyari sa kanyang asawa at dalawa pang anak. Pinilit nilang umusad patungo sa lugar na wala na masyadong malalim na tubig at doon sila nakakita ng malaking kahoy pero habang naglalakad ay may narinig silang isang boses ng bata na humihinge na saklolo. Noong una ay ayaw pa ni Liucas na tulungan ang bata dahil mas gusto niyang mailigtas muna nila ang kanilang sarili ngunit nagpumilit parin ang kanyang nanay at doon ay tinulungan nila ang isang batang naipit na si Daniel, pagkatapos ay tumungo na sila sa isang malaking kahoy at doon na sila natagpuan at dinala sa isang Ospital.

Sa kabilang dako, hindi alam ng mag-ina na buhay pa pala si Henry at sina Tomas at Simon. Ganun din si Henry, nagbabaka-sakali na makita pa si Maria at Lucas. Pinaubaya niya muna ang dalawang anak sa kinauukulan upang mahanap niya ang kanyang asawa at si Lucas, hinanap niya doon sa ospital ngunit siya ay bigo, maya maya lang napalingon si Lucas sa bandang ibaba at parang namataan niya ang paa ng kanyang ama, agad na siyang naghihihiyaw ng "papa, papa" na sabik na sabik itong makita at nagtata-takbo upang mahanap ito, ngunit hindi niya naabutan. Nagkataoon lamang na doon din dumaan ang sasakyan kung saan sakay ang dalawa niyang kapatid, pagsinuswerte nga naman, bumaba si Simon dahil siya ay naiihi na at agad itong hinabol ni Tomas, sa kabilang dako ay nandoon din si Lucas, Parehong nagkatitigan sa kabilang dulo ang magkakapatid at sabay tawag ng kani-kanilang pangalan, nagkayakapan ang magkapatid at nagkaiyakan at doon na din nakita ni Lucas ang kanyang ama (isa ito sa mga parte ng movie kung saan ako ay naiyak) sapagkat ang inaasahan ko ay hindi na sila magkakasama sama pa ulet yung nga lang talagang hindi pa nila oras. Even they are seperated by disaster, they have driven by their hope to see each other. 

Group Hug; sa muling pagkakataon, nagkita kita ulet sila.

Sa huli, happy ending padin, dahil kumpleto padin ang pamilya ni Maria. Yun nga lang kung pagbabasehan natin sa totoong nangyari medyo nakakalungkot dahil mahigit sa 200,000 ka-tao daw ang namatay sa tsunami na ito. Na-appreciate ko ang movie na ito sapagkat ako ay isang ama at may anak din, for sure pag ikaw ay pamilyado magugustuhan mo rin ito at pagkatapos mong panoorin ay mapapaiyak ka, mapapaisip at mayayakap mo ang iyong pamilya sabay sabi, "Salamat Lord, dahil magkakasama kami." at yan ay tulad ng ginawa ko.





Mini Team Building

Ano nga ba ang Team Building? Ang Team Building ay isang paraan kung saan hinahasa ang kooperasyon at ang teamwork sa isang grupo. Maraming aspeto ang dapat matutunan dito tulad ng respeto sa isa’t-isa, pag-alam sa kanya kanyang strengths and weaknesses, pagtutulungan para makamit ang isang goal at marami pang iba. Gayundin hinahasa dito sa pamamagitan ng mga team building activities ang TEAMWORK, VALUES, PRINCIPLES ng bawat miyembro pati narin kung ano ang mga FUTURE PLAN, TECHNIQUES at DIRECTION ng isang grupo.
Sa unang araw ng buwan ng Pebrero, napagkasunduan ng aking mga fellow RN’s (Registered Nurses) and ROD’s (Resident Doctor on Duty) na gamitin ang napanalunan naming voucher noong Christmas Party (yun ay voucher ng swimming sa Makiling Highlands Resort).  Sa araw na ito ay ginanap din namin ang mini team building or sabihin na natin team bonding, hehe. Masaya naman kami kahit konti lang kami, sobrang dami naman ng dala naming foods at sobrang saya naman, lalo na ako dahil sinulit ko talaga ang paglalangoy noong umaga sapagkat kami lamang ang tao doon, yun nga lang pag dating ng gabi ay biglang nagdagsaan ang mga tao at di ko alam kung saang sulok sila nanggaling at biglang nag silabasan na lang ng paisa-isa hangang sa pa doze-dozena na. Yun nga lang di na ako nag overnight dahil mayroon pa akong duty kinabukasan ng umaga.

Team Building Activity #1: Paunahan magpa-apoy ng uling.


Team Building Activity #2: Paunahan makatapos magsisid.

Team Bonding: #NightSwimming; #NightLife; #NightView


Sa huli, masasabi ko na naging successful naman ang araw na ito, naging sulit naman ang overnight nila at nagenjoy naman lahat kami, Thank You sa sponsor namin c/o Dra.Doray at Sa magandang pagsisilbi sa amin sa Makiling Highlands Resort. Until next time!

"Ang Singaw" Bow!

Ano nga ba ang Singaw? Ang singaw o mouth sores ay isang kondisyon kung saan may bahagi ng bibig na nagiging mahapdi. Ang mga singaw ay maaaring matagpuan sa gilagid, sa likod ng labi, sa dila o anumang bahagi ng bibig.

1st time ko nagkaroon ng singaw kaya paranoid ako at maraming tanong tungkol sa ganitong karanasan (ganun' daw talaga pag nasa medical field ka, maliit na sakit lang parang big deal na.) Dito sa pinagtatrabahuan ko, marami kami ang may singaw at mas malala pa yung sa kanila kasi kung sa akin ay isa lang sa iba ay meron 2, 3 at 5 singaw. Oh dba mas matindi ang sakit na nararamdaman nila kumpara sakin. Nagtanong tanong din ako at nag reasearch kung ano ba ang dapat gawin pag may singaw.

Top 5 answers na nakuha ko kung ano ang gagawin pag may singaw:
1. Ang pagmumog ng tubig na may asin (saline solution).
2. Paglagay ng tawas sa parte na may singaw.
3. Mag toothbrush lagi at magmouthwash ng bactidol, at iba pang klase ng mouthwash.
4. Umiwas sa mga maiinit na pagkain at inumin.
5. Ang Hydrogen Peroxide (Agua Oxygenada) na ihahalo sa katumbas na dami ng tubig ay maaring ipahid sa mga singaw.

Lahat ng iyon ay ginawa ko, isa sa mga masakit ay ang paglagay ng asin o tawas sa singaw na sobrang nakakaiyak at napapamura ka sa sakit. Bumili din ako ng bactidol at nagmumog 2x a day at 3x a day mag toothbrush pero lahat yun ay walang epekto. Magiisang linggo na akong may singaw pero di padin siya nawawala. Sabi nila tumatagal daw eto ng 2 linggo o higit pa. Sabi nila wala daw ako dapat ipagkabahala sapagkat ang pagkakaroon ng singaw ay isang normal na pangyayari lang at kusa din itong mawawala. Maliban sa mga nasabing paraan sa taas mas mainam din na magpakonsulta sa doctor at humingi ng reseta ng gamot para sa singaw kung talagang higit na ito sa 2 linggo.


" Panata sa Nazareno "

Ika-siyam na araw sa unang buwan ng taon ang isa sa mga pinaka-inaabangan naming mga deboto, ito ang araw at pista ng Mahal naming Poong Nazareno. Paano ba ako nagsimula dito? 

Noong nasa kolehiyo ako, lagi akong nagsisimba sa Quiapo Church, pag may kailangan ako sa kanya ako lagi humihiling ng tulong. Habang tumatagal ay lalo kong napapansin na walang mintis ang mga hinihiling ko sa kanya hanggang sa dumating ang araw kung saan humingi ako ng tulong sa kanya na sana eh makapagtapos ako sa kolehiyo at makapasa ako sa Nursing Board Exam (that was actually year 2008-2009). Sa awa ng diyos at sa kanyang tulong, nakagraduate naman ako at nakapasa ng board exam, at yun na ang umpisa ng pagiging deboto ko sa Mahal na Nazareno. 

ANG MGA DEBOTO

Image courtesy of larrypconcepcion.multiply.com

Sa pagkakaalam ko nagumpisa ang mga Deboto ng Nazareno kung saan sa paniniwala nila sa kanilang sarili na ito ay isang paghahalintulad sa pagpapahirap kay kristo o yung tinatawag nating Passion of Jesus Christ. Maraming deboto ang nagsasabi na ang kanilang nararanasan na kahirapan at pagpapahirap sa buhay ay tulad din ng mga sugat at sakit na naranasan ni Jesus. Kaya sumasama sila sa prosisyun ng Nazareno para mabawasan ang kanilang mga kasalanan sa paraan ng pagpapahirap sa kanilang sarili. Kami pala ay nakasuot nang kulay maroon, puti o kaya dilaw at nakayapak habang nagpuprusisyon. 


ANG PAGPUNAS at ANG LUBID

Image courtesy of larrypconcepcion.multiply.com

Image courtesy of larrypconcepcion.multiply.com

Isa ako sa mga hindi nagpapahuli pagdating sa Pagpunas at Paghawak sa Lubid, ayon sa mga paniniwala ng mga naunang deboto, sa ganitong paraan daw ay mababawasan ang iyong kasalanan at ikaw ay mabibiyayaan, mapapagaling ang may mga sakit at marami pang kadahilanan. Nagumpisa ako dito dati tuwing nagsisimba ako sa Quiapo Church tuwing Friday at sa likod ang pila sa Pahalik sa Nazareno kung saan lagi ko pinupunas ang aking panyo sa kanyang paa. Tuwing prosisyun naman ay nag umpisa lang ako sa pahagis hagis ng isang puting bimpo na may larawan ng mukha ng Nazareno at nilagyan ko ng sulat na "Agayan Family 01-09-09". Pero habang tumatagal ay hindi ko mapigilan ang aking sarili at dala nadin siguro ng emosyon lalo na pagnakikita mo ang mga debotong buwis buhay para lang makahawak sa lubid, ang lubid na dapat daw ay nasa kanang balikat sa paniniwala na ito ay sagrado dahil sa bahaging iyon daw pinasan ni Jesus ang kanyang krus. Kaya taong 2011 ay unang subok ko para humawak ng lubid, talagang sobrang hirap dahil siksikan ito, halos di ka makahinga, balyahan at marami pa, pero lakasan lang talaga ng loob, lahat gagawin mo para dun. Mapa bata, matanda, lalaki, babae, lahat makikita mo makikipag unahan sa pagpunas at paghawak sa lubid. Yun nga lang di parin maiiwasan ang mga taong matitigas ang ulo pati nadin ang mga taong mapagsamantala. 

                                                          ANG PANINIWALA

Image courtesy of larrypconcepcion.multiply.com

Simple lang! hanggang kelan ay hindi mawawala ang paniniwala ko sayo, alam mo iyon, dahil kahit kelan ay hindi niyo po ako pinabayaan. Gusto ko lang malaman nilang lahat kung bakit sobra sobra yung debosyon ko sa inyo, yun ay dahil sa lahat ng hiling at dasal ko ay kahit isa dun ay walang mintis, all are granted. Thank You sa lahat ng blessings and answered prayers na binigay ninyo sa akin. This one is for you! VIVA SENOR NAZARENO!



Go Hard or Go Home?

Yan ang tanong ko sa aking sarili. Halos 2 years ko nang wish ang magkaroon ng magandang katawan pero hanggang ngayon ay wala padin pinagbago. Nag gym nadin ako ng halos buong taon ng 2012 pero ganun padin talaga. Napapaisip na lang tuloy ako kung may pag-asa pa nga ba talaga ako. Ano sa tingin niyo? 

Anyway, sabi nga dun sa nabasa ko sa January 2013 Edition ng Men's Health Magazine, ayon sa isang reader nila, sa pag gygym dapat walang susuko, it's either you Go Hard or Go Home. Napaisip tuloy ako kung magbabalik loob ba ako sa Gym kasi halos isa't kalahating buwan din ako tumigil. Kaya sa aking pagmumuni-muni at pagkatapos kong basahin ang Men's Health Magazine na nasa larawan sa baba


eh dumeretso na ako sa Gym dito sa aming lugar (GoodLife Fitness Center) at nag-enroll na agad ako ng monthly session. Nakakapanibago sa umpisa kasi matagal tagal din akong hindi nagbuhat, pero habang sumasakit ang aking katawan ay mas lalong sumasarap ang aking pakiramdam. Maliban dun may personal trainer talaga sila na nakatutok sayo at may resistance training program sila para sa mga beginners para hindi manibago ang iyong katawan. Siyempre nagpanggap ako na beginner kasi gusto ko magumpisa sa basics at baka this time eh magkaroon na ng magandang resulta.

Wala pa silang website pero pwede niyong bisitahin yung link nila sa facebook for inquiries @ https://www.facebook.com/GoodLifefitnesscenter/timeline.

Ang Simula . . .

Sa Wakas! Nagawa ko na rin! Matagal ko nang pangarap ang gumawa ng isang blog, actually mga 3 years ko na rin itong New Year's Wish at ngayong 2013 ko pala matutupad, kaya siguro hindi nag End of the World ng 2012. May kasabihan nga tayo na "better late than never" so ito na nga to (Ang Simula: Si Bossing Red). Bago ang lahat, bakit nga pala Bossing Red? Naisip ko ang pangalan na ito, hindi dahil bossy ako kundi dahil idol ko si Bossing Vic. Red naman ang aking palayaw. Mahilig din ako magpatawa, magdrama at kung ano pa ang ginagawa ni bossing, yun nga lang hindi ako kasing gwapo niya, hehe!

Sana abangan niyo ang mga kwento dito sa blog ko, maraming istorya ang dapat abangan pati na ang mga araw araw na pangyayari sa loob at labas nito. Sa ngayon hanggang dito na lang muna.

HAPPY NEW YEAR SA LAHAT... WELCOME ME HERE 2013...